Bulebar Roxas


Roxas Boulevard

Bulebar Roxas
Roxas Boulevard
Tanawing panghimpapawid ng Bulebar Roxas sa Maynila, kasama ang Look ng Maynila.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)[1][2]
Haba7.6 km (4.7 mi)
mula sa Google Earth
Bahagi ng
  • R-1 R-1
  • AH26 / N120 (Abenida Padre Burgos - EDSA)
  • N61 (EDSA - Daang NAIA)
PagbabawalBawal ang mga trak, trailer, at bus mula Abenida Padre Burgos/Katigbak Parkway hanggang Abenida Gil Puyat.
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N150 (Abenida Padre Burgos) sa Ermita[3][4]
 
Dulo sa timog E3 (Manila–Cavite Expressway) at N194 (Daang NAIA) sa Parañaque
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila, Pasay, Parañaque
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar Roxas [A], o higit na kilala bilang Roxas Boulevard (dating tinagurian bilang Bulebar Dewey o Dewey Boulevard), ay isang kilalang pasyalan (promenade) sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga dalampasigan ng Look ng Maynila. Kilala ito sa mga paglubog ng araw (sunsets) nito at hanay ng mga punong niyog. Naging tatak ng turismong Pilipino ang bulebar na kilala rin sa mga lugar tulad ng Manila Yacht Club, mga otel, restoran, gusaling pangkomersyo, at liwasan.

Ang bulebar ay isa ring mahalagang daang arteryal sa Kalakhang Maynila na may walong landas. Dumadaan ang paarkong daan sa direksyong hilaga-patimog mula Luneta sa Maynila hanggang Parañaque sa sangandaan nito sa Daang NAIA at NAIA Expressway.[5] Paglampas ng katimugang dulo nito, tutuloy ang Bulebar Roxas patungong Las Piñas at Kabite bilang Manila–Cavite Expressway, na kilala rin bilang Coastal Road o CAVITEX. Tinaguriang isa sa mga pinakamahalagang lansangan sa Kalakhang Maynila ang Bulebar Roxas.

Dati itong tinawag na Cavite Boulevard,[6] at lumaon ay pinangalanang Dewey Boulevard bilang pagkilala sa Amerikanong Admiral na si George Dewey, na sa ilalim ng kanyang utos ay natalo ang Hubkong Dagat ng mga Kastila sa Labanan sa Look ng Maynila noong 1898. Ang bulebar ay muling pinangalang Heiwa Boulevard noong huling bahagi ng 1941 sa ilalim ng panahon ng pananakop ng mga Hapon, at Roxas Boulevard noong dekada-60 bilang pagkilala kay Pangulong Manuel Roxas, ang ikalimang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

  1. "South Manila". DPWH Road Atlas. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-22. Nakuha noong 12 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Metro Manila 2nd". DPWH Road Atlas. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-06. Nakuha noong 2017-02-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Manila map". University of Texas at Austin Library. Retrieved on 2011-06-05.
  4. "Rizal Park-Manila Map". Google Maps. Retrieved on 2011-06-05.
  5. "Intersection of Roxas Blvd. and NAIA Rd". Google Maps. Nakuha noong 5 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "United States Congressional serial set, Issue 5280 - Act no. 1745, Section 2a", pg. 417. Government Printing Office, Washington.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by razib.in